Mga dating miyembro ng CPP-NPA na sumuko sa mga awtoridad, iprinisinta ng PTF-ELCAC

Iprinisinta ng Palawan Provincial Task Force to End Local Communist Armed Conflict (PTF-ELCAC) ngayong araw, June 11, 2021 ang sampung (10) dating miyembro at nag-withdraw ng kanilang suporta sa Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA).

Ang presentasyon ay sa pamamagitan ng PTF-ELCAC’s Peace Law Enforcement and Development Support (PLEDS) Cluster at Kapatiran ng mga Dating Rebelde (KADRE) na isinagawa sa headquarters ng 3rd Marine Brigade sa Brgy. Tiniguiban, Lungsod ng Puerto Princesa.

Isang kinilalang alias Ka Bombom, 27 taong gulang at residente ng bayan ng San Vicente ang sumuko noong ika-24 ng Marso 2021. Siya ay dating Vice-squad leader ng Kilusang Larangang Gerilya (KLG) South. Ang iba pang dating mga taga-suporta ng CPP-NPA ay isinuko ang mga sarili noong ika-7 at ika-10 ng Hunyo 2021.

Ayon kay 3rd Marine Brigade Commander Col. Jimmy Larida, ang boluntaryong pagsuko ng mga ito sa gobyerno at pagbawi ng kanilang suporta sa teroristang grupo ay makakatulong upang mailigtas ang mamamayan mula sa panlilinlang at hindi mabuting gawain ng CPP-NPA-NDF.

“The increasing number of supporters and sympathizers withdrawing their support to the CTGs continue after the series of successful combat and non-combat operations conducted by the joints efforts of PLEDS Cluster, AFP, PNP,NBI,PCG. The CTG members and supporters have realized that the government is serious in ending local communism and that CTGs have been fighting without cause and only bringing distress to their families and communities.” ayon kay Col. Larida.

Exit mobile version