???????????? ???????????????????????????????? ???????? ???????????????????????????????????????????? ????????????????????????????????????????, ???????????????????????????????????????????????? ????????
Kasabay ng pagdiriwang ng kaarawan ng Punong Lungsod Lucilo R. Bayron, kahapon, ika-7 ng Hulyo, ay kaniyang pinangunahan din ang pormal na pagpapasinaya ng apat na proyektong pang-imprastataktura sa ilalim ng kaniyang Mega Apuradong Administrasyon.
Ang mga nasabing proyekto ay ang: Concrete Access Road mula South National Highway ng lungsod patungong Tagbarungis Elementary at High School, Concrete Access Road mula Purok Magsasaka hanggang Mangingisda Cemetery, 2 palapag na gusali, 6 na silid-aralan at rehabilistasyon ng dalawang palapag sa Sicsican Elementary School.
Umabot sa mahigit animnapu’t apat na milyon (₱64,633,734.58) ang pondo sa nasabing mga proyekto na maaaring nang magamit at mapakinabangan ng buong komunidad.
Nakiisa sa nasabing pagdiriwang ang mga konsehal, mga opisyal ng Barangay, mga kabataan, Department Heads, at kawani ng Pamahalaang Panlungsod.