Napag-desisyunan ng Municipal Inter-Agency Task Force (MIATF) na ipatupad hanggang ika-30 ng Hulyo, 2021 ang pag-require sa negatibong resulta ng Rapid Antigen Test (RAT) sa bayan ng San Vicente para sa mga returning residents.
Ito ay upang magkaroon umano ng sapat na panahon ang munisipyo na mapababa muna ang kasalukuyang bilang ng kaso ng COVID-19 at makapag-handa sa mga dapat na gawin sa oras na tuluyan nang alisin ang RAT bilang pangunahing requirement ng mga inbound residents.
Kaugnay nito ay nakasaad sa MIATF Resolution No. 07-01, Series of 2021 ang listahan ng mga essential transactions at qualified residents para sa libreng antigent test.