NPA cadre na nahiwalay sa naganap na engkwentro, sumuko at nasilayan na ang pamilya

Muling nasilayan ng isang miyembro ng New People’s Army sa ilalim ng pamumuno ng  Bienvenido Vallever Command ang pamilya nito matapos na mahiwalay sa kanyang mga kasamahan sa naganap na engkwentro noong biyernes December 10 sa Brgy. Tinitian, Bayan ng Roxas, Palawan.

Kinilala ito na si Justine Kate Dacutanan Raca alyas BILLY/ROHAN/ROCKY/MIRA. Nakapagtapos ito ng Bachelor of Science in Education Major in English mula sa UP Diliman, at naging meyembro ng Communist Terrorist Group bilang Political Officer noong 2019.

Sa pahayag na nilabas ng 3rd Marine Brigade, ay kusa itong sumuko matapos na  mapahiwalay sa kanyang mga kasamahan sa gubat. Naisipan nitong sumuko upang mailigtas ang kanyang sarili sa kapahamakan, at nitong December 11, ay pormal na sumuko sa 3rd Marine Brigada/Joint Task Force Peacock.

Naging madamdaminl ang pagkikita ni Justine Kate at kanyang ina na si Zenaida D. Raca at kapatid nito na si Jian Nicole D. Raca mula Manila matapos ang dalawang taon na pagkawalay.

Sinisiguro naman ni Col. Jimmy Larida ng 3rd Marine Brigade ng Philippine Navy ang kaligtasan nito at nang kanyang pamilya habang nasa kanilang pangangalaga.

Hinihikayat ni Col. Larida ang natitirang CNT members na sumuko na at magbagong buhay at sinisiguro din nito magiging ligtas sila sa pangangalaga ng mga kasundaluhan at magkakaroon sila ng livelihood assistance sa pamamagitan ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP).

Exit mobile version