Ospital ng Palawan nilinaw na ‘community transmission’, hindi ‘hospital-acquired transmission ang tatlong kaso ng COVID-19

Sa post ng Ospital ng Palawan (ONP) sa kanilang Facebook page, nilinaw nito na hindi “hospital-acquired transmission” ang dahilan ng pagpositibo ng tatlo nitong medical staff sa COVID-19, kundi “community transmission.”

Suportado ang pahayag ng “Epidemiological Report on COVID-19 cases” kung saan nakasaad na base sa kanilang imbestigasyon, nagsimula ang pagkalat ng virus sa ospital sa kaanak ni Patient No. 3 kung saan sinasabing bago pa man isagawa ang RT-PCR testing noong June 19 sa mga kawani ng ONP ay nagpapakita na ng sintomas ang mga ito.

ONP FB Page

Base sa report ng ONP, June 14 nang magsimulang makaramdam ng mga sintomas ng COVID-19 si Patient No. 3 na isang nurse at naka-assign sa operating room.

Sa limang close contact nito, lima ang nagpositibo rin sa virus kung saan dalawa sa kanila ang nagkaroon na ng respiratory symptoms, isang araw bago lumabas ang sintomas ng COVID-19 kay Patient No. 3.

Si Patient No. 1 naman na isang nurse at naka-assign sa isolation unit ay June 17 lang nakaramdam ng sintomas habang nasa trabaho na ikalawang araw palang doon. Sinasabing una itong naka-assign sa operating room ng ONP kung saan close contact siya ni Patient No. 3 dahil pareho sila ng schedule.

Habang si Patient No. 2 naman na isang institutional worker na naka-assign din sa isolation unit ay simulang nakasama ni Patient No. 1 noong June 16.

ONP FB Page

Sa tatlong COVID-19 positive sa ONP medical staff, tanging si Patient No. 3 lang ang asymptomatic at sinasabing ang kanyang kwarto sa ONP dormitory ang pinaglalagyan ng mga gamit ng isolation ward staff ng ospital. Isa rin sa trabaho nito ang pagsusuot at pag-aalis ng personal protective equipment ng mga staff sa isolation room na posibleng sanhi ng kanyang pagkakahawa.

“Given the following details and facts, this conclusively indicates a community transmission rather than hospital acquired transmission. Apart from, based on hospital statistics, ONP has no reported confirmed case after the case of Brgy. Tanabag patient on April 16, 2020,” bahagi ng statement ng ONP na inilabas sa kanilang Facebook page.

Nakasaad din sa ONP Facebook post na maaaring gamitin ito ng city government sa kanilang isinasagawang contact tracing upang at matukoy si “patient zero”.

“It is highly recommended to the City Surveillance Officer to use these data for a better contact tracing and accurate epidemiological analysis,” dagdag na pahayag ng ONP.

Exit mobile version