Outreach Program, ginanap sa bayan ng Narra, Palawan

Nakiisa ang 2nd Platoon, 1st Palawan PMFC, kasama ang kanilang Platoon leader na si Police Captain Nollie S. Vergara, sa pagsagawa ng PNP Community Outreach Program sa Sitio Balintek, Brgy. Ipilan, Narra, Palawan, kahapon, araw ng Biyernes, Hulyo 14.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni Hon. Marcelino C Calso, Jr, Acting Mayor ng Narra Palawan, kasama ang PNP, BJMP, MBLT-7, BFP, Rotaract Club, Municipal Health Office, Delta Falls Irrigators Association Inc, at iba pang sangay ng Gobyerno.
Sa pamamagitan ng feeding activity, pamimigay ng grocery packs, damit, tsinelas, libreng gamot, tuli, haircut, check-up, at iba pang serbisyo, naging kapaki-pakinabang ang aktibidad para sa mahigit dalawang daang (200) pamilya at kabataan ng barangay na ito.
Buong pusong nagpapasalamat ang mga pulis, lalo na kay Police Liutenant Colonel Klinton Rex L Jamorol, Force Commander ng 1st Palawan PMFC, at sa lahat ng miyembro ng yunit na ito, sa kanilang malasakit at pagbibigay ng libreng serbisyong publiko sa mga nangangailangan.
Patuloy ang pagsisikap ng pulisya na maghatid ng dekalidad na serbisyo, lalo na sa mga Geographically Isolated Disadvantage Areas o GIDAS, upang palakasin ang ugnayan at matulungan ang mga mamamayan na nangangailangan ng tulong.
Kasabay ng aktibidad na ito ang pagdiriwang ng ika-28th Police Community Relations Month (PCR) upang palakasin ang ugnayan at pagkakaisa ng PNP, Simbahan, at Komunidad sa layuning panatilihing ligtas, maayos, at mapayapang komunidad. Ito ay isinagawa alinsunod sa 5-Focused Agenda ng Pinuno ng PNP na si PGEN Benjamin Acorda Jr.
Exit mobile version