P1.2 milyong halaga ng smuggled cigarettes, nasabat sa Bataraza

Umaabot sa 120 karton ng smuggled cigarettes ang nakumpiska ng mga awtoridad matapos magpositibo sa surveillance at maikasa ang isang operasyon sa Barangay Rio-tuba, Bataraza, Palawan noong Abril 15.
Sa tulong ng AFP Western Command (WESCOM), sa pamamagitan ng Naval Forces West (NFW), at Bataraza Municipal Police Station ay matagpumpay na nasabat ang nasa tinatayang P1.2 milyong halaga ng kontrabando.
Nasabat ito mula kay Daud Illias Bulongan, 52-anyos, vendor, na residente ng Pangutaran, Jolo, Sulu, at pansamantalang naninirahan sa Sitio Canumay, Bgy. Rio-tuba, Bataraza, Palawan.
Exit mobile version