Matagumpay na naisagawa ang “All-in-One Bayanihan,” isang outreach program ng Tactical Operations Wing West (TOWWEST) at Tactical Operations Group 7 (TOG 7) sa ilalim ng pamumuno ng Philippine Air Force noong Oktubre 12, sa Bayan ng Quezon at Rizal sa Palawan. Kasama ang mga volunteer mula sa Go Share Foundation, nag-umpisa ang program sa pagsusuri sa mata at operasyon para sa cataract at pterygium.
Nagbigay din ito ng iba’t ibang serbisyo tulad ng konsultasyon medikal, tuli, bunot ng ngipin, at libreng gamot para sa mga katutubo at mamamayan sa malalayong lugar.
Layunin ng programa ang magdala ng tulong at pangangailangan sa komunidad, nagpapakita ng diwa ng bayanihan para sa tunay na pag-unlad at kapayapaan.