Integridad sa serbisyo- publiko, ninanais maikintal ni Gobernador Socrates sa mga kawani ng kapitolyo

Photo Credits to PIO Palawan

Ang pagkakaroon ng integridad sa pagbibigay serbisyo kasabay ng mabilis na pag-aksyon sa mga nangangailangan ang pinakapunto ng mensahe ni Palawan Governor Victorino Dennis M. Socrates sa kauna-unahang consultative meeting para sa taong 2023.

 

Ang mensaheng ito ang siyang binigyang diin ng ama ng lalawigan bilang pagbibigay inspirasyon sa mga kawani ng pamahalaang panlalawigan hinggil sa kanilang pagtupad sa mga responsibilidad na nakaatang sa kanila araw-araw.

 

Ang consultative meeting ay pinangunahan ng gobernador para sa taong 2023 na isinagawa sa Governor’s Conference Room sa gusaling kapitolyo na dinaluhan naman ng mga department heads, program managers, at officers-in-charge ng Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan.

 

Bilang karagdagan, tinalakay ni Provincial Planning and Development Office (PPDO) OIC Sharlene Vilches ang mga prayoridad na proyekto at programa ng Pamahalaang Panlalawigan para sa taong 2023, kabilang ang rehabilitasyon ng mga kalsada at tulay, pagsasaayos ng ilang covered courts at ospital, pagpapaigting ng mga programang panlipunan, at pagtutok sa sektor ng kalusugan, agrikultura, at general welfare.

 

Bukod dito, pinag-usapan din ang mga posibleng solusyon sa mga natukoy na suliranin sa sektor ng governance, economy and livelihood, human development, general welfare, at protection of the environment, at iba pa.

 

Source: PIO Palawan

Exit mobile version