Kasabay ng pagdiriwang ng Baragatan Festival sa Palawan, masayang inilunsad ng Palaweñang manunulat na si Marichelle Roque-Lutz ang kaniyang nobelang libro na “The House by the Beach” o ang “Ang Balay sa Baybay” nito lang Hunyo 7, sa VJR Hall ng Provincial Capitol.
Ayon kay Lutz, ang libro ay hango sa kaniyang karanasan sa bayan ng Cuyo mula noong siya ay bata pa. Ibinahagi rin niya na nito lang pandemya bago niya sinimulang isulat ang libro na ayon pa sa kaniya ay umabot ng ilang dekada sa kaniyang isipan bago niya buuin. May ilang parte rin ng libro ang kaniyang tinawag na ‘’erotic’’ at kapana-panabik na basahin.
Si Lutz ay isang Journalist na may dugong Cuyonon at ang kaniyang pagmamahal sa nasabing bayan ang naging tulay umano upang isulat niya ang nasabing nobela.
May payo naman si Lutz sa mga katulad niyang manunulat na isapuso ang pagsusulat at mahalin ang kapwa nang sa gano’n umano ay makakapagsulat din ang mga katulad niya ng mga librong ‘’believable story.’’
“My advice is live your life, experience life, observe…love people, and understand them and then you will be able to write a believable story,’’ pagbabahagi ni Lutz.
Kaugnay nito, ang paglunsad ng libro inorganisa ng samahan ng mga manunulat sa Palawan na Pawikaan na dinaluhan naman nina Gobernador V. Dennis Socrates, Office of the Governor Chief-of Staff Ceasar Sammy, Ateneo University Press na siyang naglimbag ng libro, Palawan Songwriters Community, at ilang malalapit na kaibigan ni Lutz.
