Kasalukuyang hinahanap pa rin ng Philippine Coast Guard (PCG) ng Araceli ang nawawalang kapitan at chief engineer ng LCT Lady Athena na lumubog kahapon dahil sa malalakas na alon sa paligid ng Cambari Island, Araceli.
Ayon kay Leutentant Junior Grade (LTJG) Nathaniel Abella, nakatanggap ng report ang kanilang opisina patungkol sa pagtaob ng isang LCT. Bumuo ng Search and Rescue (SAR) team ang PCG at agarang pumalaot sakay ng MV Titan. Naabutan naman ng PCG na nakalubog na ang vessel.
“Nakita po natin na nasa submerged na po yung vessel. By that time, ma’am, wala pa po yung mga survivors, kaya po nag-urge po ang Coast Guard na hanapin pa. So we caught the area for the second time para makita [kung may surivors]. More or less mga 15 minutes pa ang tinakbo natin para sipatin ang area, tsaka pa po nakita ang survivor. Sumakay po sila [ng] lifecraft. 14 po sila so they were under assistance, dinala po natin sa vessel [na] pinagsakyan po natin which is yung MV Titan,” salaysay ni Abella.
Nang masagip ang 14 na katao ay napagalaman ng PCG na mayroon pang tatlong nawawalang indibidwal na sakay ng Lady Athena. Buhat nito ay muli nilang sinuyod ang lugar ng insidente kaya’t nahanap ang isa pang nakaligtas.
“Siguro po ma’am [halos] 30 minutes pa po natin inikot ang area ng pinaglubugan, so doon pa po natin [nakita] yung isang nakasurvive at meron po syang dinadaing na injury sa likod at sa ulo,” dagdag pa nito.
Nang magsimula nang dumilim napagdesisyunan ng PCG na pansamantalang ihinto ang SAR operation buhat na rin ng paglakas ng alon. Ipinagpatuloy naman kaninang umaga ng PCG ang paghahanap sa dalawa pang nawawalang indibidwal ngunit itinigil muli ang operasyon dahil sa masamang panahon.
“Meron pong taga-palawan, isang taga-PPC at isang taga-cuyo. Ngayon po ita-try po namin na ikutan ulit at saka hindi lang po search and rescue operation ang ginagawa ni coast guard. Maliban po doon ay kino-contact na po namin ang mga kapitan ng bawat barangay na malapit sa shoreline na i-report agad kapag may nakita sila para makuha po natin [ang mga ito] … Gagawin po [ng] Coast Guard ang lahat para ma-locate ang dalawa [na nawawala pa]. At nakikipag-coordinate rin po kami sa mga government agencies like LGU,” saad nito.
Sa ngayon ay naiulat na nasa pangangalaga ng NDRRMC Araceli ang 15 kataong nailagtas ng PCG.
Listahan ng mga pangalan na nasagip ng Philippine Coast Guard (PCG) Araceli na crew ng LCT Lady Athena na tumaob nitong Nobyembre 25. Ito ay ayon kay Leutentant Junior Grade (LTJG) Nathaniel P. Abella ng PCG.
Gerald P. Salem – Golden City Taytay, Rizal
Edwin D. SOliven – San Vicente, Pampanga
Wagayon L. Isiash – Diliman, Quezon City
Ariel C. Forty – Balete, Batangas City
Gilmer Jay Luna – Cabucgayan, Biliran Leyte
Alvin B Alegarbes – Malaybalay City, Bukidnon
Jonathan V. Magbanua – Brgy. Suba, Cuyo Palawan
Caluna rey P. Lovelle – Puerto Princesa City, Palawan
Lyndol B Ibanez – Brgy. Baybay Roxas City, Capiz
Grainger Justalero – Etoponan, Cagayan De Oro
Clark Bryan Jagonob – Bugasong, Antique
Gil Candolita – Cabantian, Davao City
Elnard Mangaring – Brgy. Lonos, Romblon
Gerald Esplana – Punong Sta. Cruz, Marinduque
Jundie L. Avila – Block 5 Taytay, Rizal
Samantala, sina Bernardino Lina-Ac ng Cagayan de Oro na siyang kapitan at si Welson Reyno ng Cabantian, Davao City na 2nd engineer ay kasalukuyan pa ring pinaghahanap.