Kasalukuyang nagsasagawa ng “Capability Enhancement Activity” ang Palawan Council for Sustainable Development Staff (PCSDS) sa Punta-Baja, Rizal, Palawan na magtatapos sa Hulyo 21, 2023.
Isinasagawa ito sa pakikipagtulungan ng Palawan Council for Sustainable Development Staff (PCSDS) ECAN Education and Extension Division (EEED), at PCSDS District Management Division (DMD)- South.
Layunin ng aktibidad na mapalalim ang kaalaman at kakayahan ng mga kalahok tungkol sa mga probisyon ng Strategic Environmental Plan (SEP) Law, lalo na ang Republic Act No. 9175 o Chainsaw Act; RA 9147 o Wildlife Conservation Act; PCSDS Administrative Order No. 11 o ang “Rules and Regulations Governing the Conservation and Protection of Mangrove Areas,”; at Orientation on Sustainable Development Goals Number 14 and 15: Life Below Water and Life on Land.
Sa loob ng tatlong araw, ang mga kalahok ay sasailalim sa serye ng mga interactive na aktibidad na naglalayong mapalawak ang kaalaman ng mga miyembro ng municipal at barangay council, ECAN Board members, at Sangguniang Bayan.
Ang pagpapatupad ng aktibidad ay nagmula sa Training Needs Assessment (TNA) na isinagawa ng PCSDS noong Disyembre 2022 sa Bgy. Candawaga, Rizal. Ang TNA ay nagpakita ng mga aspeto ng mga batas at patakaran ng PCSDS na kailangang palakasin at bigyang-pansin upang mas mapalawak ang kaalaman sa munisipalidad ng Rizal.