Pitong pinaghihinalaang tulak at gumagamit ng shabu arestado sa bayan ng Coron kagabi

Photo courtesy of Coron MPS

Timbog ang pitong katao sa isinagawang buy-bust operation ng pinagsanib na puwersa ng Coron Municipal Police Station sa angunguna ni Police Major Thirz Starky Timbancaya at ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA, ganap na alas-11:45 kagabi sa Sitio Bucal-bucal, Brgy. Guadalupe, Bayan ng Coron.

Nakilala ang mga suspek na sina Marvin Rio, Mark Gaviola, George Andrade, Agustin Serano, Dennis Ormido, Carlo Notado at isang alyas Bong Emerson Serano, pawang mga nasa tamang edad at residente sa nasabing lugar.

Nakuha ng mga otoridad sa mga suspek ang nasa walong sachet ng pinaghihinalaang shabu na nagkakahalaga ng lima hanggang pitong libong piso, mga drug paraphernalia at ang ginamit na buy-bust money.

Ang mga gamit na nakuha sa crime scene. Photo by Coron MPS

Ayon kay Police Major Thirz Starky Timbancaya, hepe ng Coron MPS, naabutan nila sa isang lugar ang mga suspek na gumagamit ng iligal na droga.

Sa ngayon ay nakapiit na ang mga suspek at mahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Exit mobile version