PNP, may 3 Persons of interest sa nangyaring robbery hold-up sa Taytay

May tatlong persons of interest na ang PNP sa nangyaring robbery holdup na nangyari sa bayan ng Taytay noong nakaraang MIyerkules, January 13, 2021.

Sa Facebook post ni Rodel Moreno Dorado ukol sa insidenteng nangyari, isang babae ang naging biktima ng 3 indibidwal sa Sitio Calabucay, Brgy. Bato.

“Nanginginig sa takot ang babaeng biktima ng highway robbery holdup nitong Miyerkules, Enero 13, 2021 dito sa Taytay… Nangyari ang panghohold-up bandang 11:30 ng umaga sa Sitio Calabucay, Brgy. Bato. Ayon sa impormasyon, 3 ang suspek na nakahelmet at facemask na nakasakay sa isang motorsiklo, TMX, kulay pula at armado ng baril at patalim.”

Kinumpirma naman ng PNP ang pangyayari ngunit tumanggi na munang tukuyin ang mga hinihinalang sangkot sa krimen.

“As of now, ongoing yung follow-up investigation namin. Tapos may tinitingnan kaming mga 3 persons of interest pero hindi pa namin pwedeng ma-reveal [sa] ngayon.” Ayon kay Police Senior Master Sergeant (PSMS) Joseph Herrera, imbestigator sa nasabing krimen.

Samantala paalala naman nito na iwasang maglakad mag-isa lalo na kapag may dalang malaking halaga.

“‘Wag silang magbabiyahe mag-isa tapos hindi napa-pattern yung kolekta nila. Dapat mag-doble ingat talaga sila ‘pag medyo hindi mataong lugar… Doble ingat po talaga kasi medyo malapad po ang Taytay.”

Exit mobile version