Isinusulong sa Sangguniang Bayan ng San Vicente sa pamamagitan ng resolusyon ng Municipal Inter-Agency Task Force (MIATF) na ibaba ang presyo ng Rapid Antigen Test (RAT).
Mula sa ₱800 ay nais ng MIATF na ibaba ito sa ₱600 para sa mga residente na pauwi ng munisipyo, samantalang mananatiling ₱1,500 ang presyo nito para sa mga non-residents batay na rin sa Municipal Ordinance No. 1, Series of 2021.
Isa rin sa mga paraang tinitingnan umano ngayon ng MIATF ay isagawa na lamang sa mga Barangay Health Stations ang antigen testing ng mga biyaherong pauwi ng San Vicente upang sila ay makatipid.
Sa kasalukuyan ay libre ang RAT para sa mga mahihirap na residente, van at e-trike drivers at mga essential workers.