Provincial COMELEC handa na para sa darating na Plebisito

Nakahanda na umano ang Palawan Provincial COMELEC para sa darating na plebisito para sa paghahati ng Palawan sa (3) tatlong probinsiya sa Marso 13, 2021.

“Ang status po ng preparation natin ay ready na po tayo, 100% ready na po at may mga activities na po tayong gagawin simula February 11.”

Ayon pa kay Ordas, handa rin umano sila kung sakaling magkaroon ng hindi inaasahang aberya sa araw ng botohan.

“Mayroon na po tayo naka-ready lagi na mga contingency measures katulad na lang itong constitution ng ating plebiscite committees na kung naaalala niyo ay nagsimula pa nung May 11 [2020] yan at nakumpleto na natin, tapos dumating yung pandemic at ang nangyari nag increase tayo ng polling precincts so nag-almost doble tayo ng 100% increase ng Plebiscite Committees natin pero yan naman po ay na solusyunan na natin.”

Pinaaalahanan naman ang mga lalahok sa araw ng botohan na magsuot ng face mask at face shield at mahigpit nilang ipatutupad ang health at safety protocols dahil sa nararansan pa rin na pandemya dulot ng COVID-19.

Exit mobile version