PUERTO PRINCESA CITY — Nagpalabas ng pinag-isang pahayag ang pamahalaang panlalawigan ng Palawan, Western Command o Wescom at ang Philippine National Police-Palawan Provincial Police Office (PNP-PPO) na ibinababa na ang ‘heightened alert status’ sa lalawigan.
“As of 2 o’clock yesterday afternoon, after consulting with the Western Command, the province as well as the armed forces and PNP have decided to lower the alert status of the province. We were now at a not in the heightened alert status based on the information that the persons of interest that we were monitoring last week that were allegedly going to Palawan have been spotted in the different area of operations (Simula 2:00 pm kahapon, matapos ang konsultasyon sa Western Command, ang probinsya, armed forces at PNP ay nakapag-desisyon na ibaba ang alert status ng Palawan. Sa ngayon tayo ay nasa ‘not in the heightened alert status’ base sa impormasyon na ang ‘persons of interest’ na mino-monitor natin noong nakaraang linggo na diumano ay papuntang Palawan ay namataan sa ibang lugar ng operasyon) ” pahayag ni Atty. Teodoro Jose S. Matta, Provincial Legal Officer ng pamahalaang panlalawigan sa press conference kaninang umaga.
Ayon naman kay Gobernador Jose Ch. Alvarez, ayaw nitong mangyari sa Palawan ang nangyaring panggugulo ng mga teroristang Abu Sayyaf sa Bohol noong nakaraang taon, kung kaya’t hinihimok nito ang lahat ng mamamayan ng lalawigan na maging mapag-matyag at alerto sa lahat ng pagkakataon. Hiniling din nito na i-ulat agad sa mga otoridad kung mayroong makitang kaduda-dudang pagkilos ng mga hindi kilalang tao sa bawat komunidad.
“The security of Palawan is a community effort, it is not merely the responsibility of the armed forces or the national police or the provincial government, it is a responsibility of everybody in the community’ (Ang seguridad ng Palawan ay nangangailangan ng sama-samang pagkilos ng komunidad. Hindi lamang ito responsibilidad sandatahan at kapulisan, o magnig ng pamahalaang panlalawigan. Ito ay responsibilidad ng lahat sa komunidad),” dagdag pa ni Atty. Matta.
Kaya’t humihingi ito ng tulong sa lahat na kahit na naibaba na ang ‘alert status’ ng lalawigan ay huwag maging kampante kundi maging maingat at alerto sa lahat ng oras ang bawat isa.
Nitong nakaraang linggo ay itinaas sa pinakamataas na lebel ang ‘alert status’ ang lalawigan dahil sa mga intelligence report na may banta ng kidnapping sa Palawan ang mga teroristang grupo.
Sa huli sinabi ni Atty. Matta na ang seguridad ng Palawan ay nananatiling matatatag at ligtas ang probinys. (OCJ/PIA-MIMAROPA/Palawan)