Inflation sa Palawan, nasa 9.9% nitong December 2022

Photo Credits to PSA Palawan

Makaraan ang paglabas ng ulat nasyunal isinunod ng PSA Provincial Statistical of Palawan ang kabuuang ulat hinggil sa antas ng inflation sa lalawigan ng Palawan at lungsod ng Puerto Princesa para sa Disyembre 2022.

 

Personal na binasa ni Ms. Maria Lalaine M. Rodriguez, pinuno ng PSA Palawan sa harap ng mga miyembro ng media sa kanilang punong tanggapan sa lungsod ng Puerto Princesa.

 

Sa kanyang ulat ipinahayag ni Rodriguez, ang pagtaas ng presyo ng mga produkto at serbisyo ay nananatili sa antas na 9.9 noong Disyembre 2022 na kahalintulad ng nakalipas na buwan ng Nobyembre ng kaparehong taon kumpara naman sa Disyembre 2021 na mayroong antas na 2.0.

 

Ang average inflation noong Enero hanggang Disyembre 2022 ay nasa antas na 8.2 percent. Ang mga pangunahing nag-ambag sa lalawigan ng Palawan ay ang mga sumusunod:

  1. Ang food and non- alcoholic beverages na mayroong 13.6 percent ng inflation.
  2. Ang housing, water, electricity, gas and other fuel hna mayroong 4.9 percent inflation.
  3. Ang restaurants and accommodation services na mayroong 9.4 percent inflation.

 

Narito ang kabuuang nilalaman ng ipinatawag na kaunahang Press conference na ipinatawag ng PSA Palawan na kung saan ito ay regular nang isasagawa kada buwan upang mapag-alaman ng mga mamamayan ang pagkilos at paggalaw ng ekonomiyang local sa usaping inflation [a general increase in prices and fall in the purchasing value of money].

Exit mobile version