Pinarangalan ang Palawan State University (PSU) bilang isa sa mga nangungunang paaralan sa larangan ng Social Work, matapos makuha ang ika-8 puwesto sa kategoryang Top-Performing Schools Category B sa ginanap na oath-taking ceremony ng Professional Regulation Commission (PRC) at Professional Regulatory Board for Social Workers sa Philippine International Convention Center (PICC) ngayong hapon.
Mataas ang nakamit na passing rate ng Palawan SU na umabot sa 90.00%, patunay ng pagsisikap at kalidad ng edukasyon sa unibersidad.
Tumanggap ng sertipiko at plake ng pagkilala si PSU President, Dr. Ramon M. Docto, na nagbigay-diin sa patuloy na pagsuporta ng PSU sa pagpapaunlad ng mga mahuhusay at may kakayahang social worker para sa bansa.
Ayon kay Dr. Docto, ang pagkilalang ito ay bunga ng sama-samang pagsusumikap ng mga guro, estudyante, at administrasyon ng PSU sa pagtugon sa mga pangangailangan ng komunidad at pagpapalakas ng propesyon ng social work sa bansa.