Puerto Princesa Bay, Honda Bay, at Inner Malampaya Sound sa Taytay, positibo pa rin sa red tide

Positibo pa rin sa red tide ang Honda Bay, Puerto Princesa Bay, at Inner Malampaya Sound sa Taytay, Palawan base sa pinakahuling Shellfish Bulletin na inilabas ng Bureau of Fisheries And Aquatic Resources (BFAR) at ng Local Government Units (LGU) noong Enero 28.

Nananawagan muli ang BFAR sa mga mamamayan na huwag munang kumuha, bumili at kumain ng anumang uri ng shellfish, tulad ng tahong at pasyak shells, at alamang na magmumula sa mga lugar na positibo sa red tide.

Subalit ang mga mahuhuling mga yamang-dagat sa nabanggit na mga lugar tulad ng isda, hipon, alimango at pusit ay maaaring kainin subalit kinakailangang linisin at lutuin ng maigi.

Exit mobile version