Nilinaw ni Provincial COMELEC Spokesperson Jomel Ordas na hindi na ipapasa sa kanilang tanggapan dito sa Lungsod ng Puerto Princesa ang recall petition sa ilang halal na opisyal sa Bayan ng Narra, Palawan base na rin sa bagong kautusan ng kanilang tanggapan.
“Meron tayong bagong rules and regulations diyan ang title eh…Comelec resolution 649, ‘yung revise of rules and regulations on recall. Marami na itong amendments…pinag-isa niya lahat ng mga naunang resolution ng mga tungkol sa recall at mas pinasimple at mas pinalinaw niya ‘yung proseso,” ani Ordas.
Ayon pa sa kaniya, pag nai-file na ang petition for recall sa Election Officer ay didiretso na ito sa isang tanggapan ng main office ng COMELEC bago ibabalik sa Election Officer.
“Sa bagong guidelines ngayon, kapag may on-going registration hindi na Election Officer ang magveverify. So ang magvegverify ay isang tanggapan sa Election Registration Statistics Department doon sa main office namin…ang gagawin ng Election Officer kapag may on-going registration [ay] ipapadala niya ‘yun sa maynila at do’n na gagawin’ yung initial verification tapos after prescribed period ay gagawa naman ng report ay ibabalik niya rito sa Election Officer,” pahayag ni Ordas
Samantala, ipinaliwanag din nito ang iba pang pagdadaanang proseso sa inihaing recall petition ng Sulong sa Pagbabago, Bangon Narra (SPBN) bago maisakatuparan ang kanilang nais na recall election.
“Ang gagawin naman ng Election Officer ng certification, kung sufficient ba or hindi sufficient, tapos isusubmit niya ‘yan sa Clerk of Commission. Ngayon, ang Clerk of Commission ay ipoprovide niya naman ng copy…’yung dalawang parties na’ yun hihingian niya ng comments at may prescribed periods …dapat makapag sagot yung mga Partido.Yung sagot [na] isusubmit nila sa clerk of commission [at ] base dun sa comment [ay] gagawa sila ng report at recommendation At isusubmit naman nila yun doon sa Comelec en banc. Depende naman kung sufficient or insufficient yung naging certification. Halimbawa, yung election officer nacertify niya na hindi sapat yung bilang nun kaagad ay baliwala na yung petition. Pero kung sufficient yung unang bilang ng mga signatures ay dadaan nay un sa clerk of commission at ifoforward niya yun doon sa Comelec en banc na siya namang mag uutos kung kalian isasagawa ‘yung verification ng signatures at doon na magseset ng recall date ang Comelec en banc,” dagdag pahayag ni Ordas.