Retired teacher na hirap na sa paglalakad, lumabas pa rin upang bomoto

former teacher na si Henry Sabando // kuha ni Diana Ross Cetenta

Hirap man sa paglalakad at inalalayan lamang ng kanyang apo, sinikap pa rin ng isang retired teacher na makaboto magtatanghali ngayong araw sa Bayan ng Roxas.

“Siyempre botante ako, kinakailangang bomoto,” ayon sa former teacher na si Henry Sabando na nagtuturo noon sa Roxas National Comprehensive High School (RNCHS) kung saan din siya bomoto ngayong araw kaugnay sa plebisito sa paghahati ng Palawan.

Si tatay Henry habanhg inaalalayan ng kaniyang apo papunta sa panyang presinto upang bumoto

Masaya rin niyang ibinahagi na wala siyang palya sa pakikilahok sa anumang halalan.

Ayon sa 65 taong gulang na dating guro, hindi naman umano siya nahirapan sa pagtungo sa RNCHS sapagkat pamilyar at sanay na siya sa nasabing paaralan.

Aniya, taong 2008 nang siya ay ma-stroke at taong 2011 ay tuluyan na siyang nagretiro sa pagtuturo matapos yumao ang kanyang kabiyak.

Exit mobile version