Kinilala ng Sangguniang Panlalawigan bilang bayani ang mga kabataang bumubuo ng Robotics Team ng Roxas National Comprehensive Highschool (RNCHS) mula sa bayan ng Roxas sa pagkamit nila ng silver medal sa nagdaang World Young Inventors Exhibition na ginanap sa Kuala Lumpur, Malaysia kamakailan.
Ipinamalas ng limang estudyanteng sina Vince Martinez, Oliver Espanosa, Isaiah Jiminez, Kriezel Angelic Verdin, Althea Stephanie Morales at kanilang dalawang naging coaches sina Honnelley Balo, at Asael Palermo ang pag imbento ng isang Automatic Water System para sa Vertical Organic Farming na isinali nila sa Agricultural Category ng naturang patimpalak.
Hinihiling ng mga board members ng lalawigan sa opisina ng gobernador na masuportahan ang mga kabataan na nagkamit ng naturang parangal para sa Palawan.
Hinihiling din ng mga ito na mabigyan ng trophy at cash incentives ang mga kabataang scientist at mapag-aralan ng Department of Agriculture ang Automatic Water Sytem para sa Vertical Organic Farming, dahil magiging malaking tulong umano ito para sa mga lokal na magsasaka ng lalawigan.