SB member ng Brooke’s Point, humingi ng dispensa

Humihingi ng dispensa ang Sangguniang Bayan member ng Brooke’s Point, Palawan dahil sa idinulot nitong kaguluhan at pangamba sa bayan. Sa social media post ni Konsehal Hayato Bibon kagabi Enero 27, 2021, pinagsisihan na umano niya kasama ng kanyang asawa ang kanilang nagawa at humihingi ito ng kapatawaran.

Matatandaan na nagpositibo sa COVID-19 ang asawa ng konsehal. Noong una, inakala na isa itong local transmission. Ngunit nang magsagawa ng imbestigasyon, lumabas na labas-masok pala ito ng Palawan patungong Malaysia gamit ang backdoor.

“It is also with my deepest regrets, i am expressing my heartfelt and sincerest apologies to everyone who have been affected by our unintentional acts. Maybe i was confused at that time so to speak. I humbly accept all the bashings that we read on social media.” Ayon kay Konsehal Hayato Bibon.

Dagdag pa ng Konsehal, hiling naman nito na tigilan na sila sa pambaba-bash sa social media at mas pagbubutihin pa umano niya ang kanyang sinumpaang tungkulin.

“However, may I ask from you to please refrain posting negatives against me as I am not perfect not to commit mistakes. As a public servant, I will continue to serve you with all my heart and I will never change because of this. My experience now will turned me into a better me as your servant. Patuloy po tayong mag-ingat mga kababayan ko. Again, my apologies. Mahal ko po kayo!

Samantala nagpapasalamat naman ang Konsehal sa Diyos, kapamilya at mga kamag anak sa walang sawang suporta at panalangin, at dahil narin umano sa naging negatibo ang resulta ng kanyang swab test.

“First of all, I thank our God Allah for the negative results of my swab test as well as all the members of my family, including our relatives and helpers, and also those who have been in closed contacts to my husband and to me. My gratitude also for those who prayed for us.”

Sa panayam naman kamakailan, iginiit ni Palawan IATF Head Jeremias Alili na nahihirapan sila sa contact tracing kaugnay ng nagpositibong asawa ng konsehal dahil hindi ito nakikipagtulungan sa mga awtoridad.

Exit mobile version