Ikaanim na kaso ng COVID-19 naitala sa Sofronio Española

Isang locally stranded individual o LSI ang nadagdag sa listahan ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bayan ng Sofronio Española.

Ito ang kinumpirma ni Dr. Rhodora Tingson, ang Municipal Health Officer ng nasabing bayan. Ayon kay Tingson, ang ikaanim na kaso ng Covid 19 ay isang 46 anyos na lalaki na dumating sa bayan noong June 14 mula Maynila.

“Asymptomatic s’ya simula ng dumating dito and at present, naka-isolate na sa quarantine facility naming,” ani
Tingson sa panayam ng Palawan Daily News.

Sa kasalukuyan ay patuloy pa rin ang lokal na pamahalaan ng Sofronio Española sa kanilang contact tracing upang matukoy ang mga nakasalamuha ng mga nagpositibo sa COVID-19 at ma-monitor ang kanilang kondisyon at maisailalim sa swab testing kung kinakailangan.

Exit mobile version