Sundalong sumailalim sa special training sa Palawan, nalunod patay

Hustisya ang hiling ng kaanak ng isang sundalong nasawi matapos malunod habang sumasailalim sa isang espesyal na pagsasanay para sa Special Operation Platoon sa pier ng San Vicente. Ang pagsasanay na ito ay tumagal ng 45 araw, at nasa huling araw na sana ni si Private Ronald C. Dela Rosa ng Marine Battallion Landing Team-3. Dela Rosa.

Ayon sa autopsy report ng PNP, maraming tubig ang nainom ni Dela Rosa na naging sanhi ng pagkapuno ng tubig sa kanyang baga. Nagsuka siya ng dugo at bumula ang kanyang bibig. Hindi na siya na-revive ng kanyang mga kasamahan at isinugod sa ospital sa San Vicente, Palawan, ngunit wala na siyang buhay nang dumating doon.

Sa ngayon, hinihintay pa ang resulta ng imbestigasyon ng kanilang Commanding Officer, at umaasa ang pamilya ni Dela Rosa na mapaparusahan ang mga pabaya at nagkulang na instructor.
Exit mobile version