Muling nagpulong ang Provincial at City Inter-Agency Task Force ngayong araw, June 8 kung saan pinag-usapan ang mga proseso sa pagtanggap at pagsasailalim sa Rapid Diagnostic Testing sa mga dumarating na locally stranded individuals (LSIs) at Returning Overseas Filipinos (ROFs) sa lungsod at lalawigan.
Ito ay dinaluhan nina PDRRMO at Provincial EOC Manager Jerry Alili, CDRRMO at City EOC Manager Earl Timbancaya, Provincial IMT In-charge Officer Zaldy Ablaña, City Incident Commander at Assistant Health Officer Dr. Dean Palanca kasama ang iba pang kinatawan ng concerned agencies.
Sa nasabing pagpupulong, binigyang-diin ang proper endorsement at coordination sa mga munisipyo para sa paghahatid sa mga umuwing LSI at ROF.
Layunin nitong matiyak na dumadaan sa tamang proseso ang lahat at upang maiwasan ang kalituhan sa receiving LGUs.