Tatlong sakay ng bangkang lumubog, naligtas ng PCG

Nailigtas ang tatlong indibidwal na sakay ng isang bangkang lumubog sanhi ng malalaking alon noong Miyerkules, Abril 26.

Matapos makatanggap ng tawag ang mga kawani ng Coast Guard Station Northern Palawan ay nagsagawa ito ng search and rescue operation sa karagatang sakop ng Lagoon Island at Helicopter Island.

Nagpapaalala naman ang CGS-Northern Palawan na suriin muna ang karagatan bago maglayag upang ligtas sa byahe.

Exit mobile version