Ibinahagi ni Guillermo Aficial, Presidente ng Sulong sa Pagbabago, Bangon Narra (SPBN) ang estado ng kanilang kahilingan sa Commission on Election (COMELEC) na magsagawa ng recall election kontra sa ilang halal na opisyal sa bayan ng Narra, Palawan.
“Noong December 28, alas 3:00 ng hapon na i-submit na namin sa COMELEC Narra pormally accepted yun at mga banda ala 5:00 ng hapon, kasama ang ating main petitioner at saka mga supporter at ipinadala sa isang logistic company noong araw na yun, naipadala na sa COMELEC en banc and until now we are waiting for the development,” ani Aficial.
Inaasahan ng grupo na mabilis ang magiging tugong ng COMELEC National para masimulan na ang pagsusuri sa mga lumagdang mga botante na gusto ng recall election.
“Hopefully this week o next week darating na yung response mula sa COMELEC en banc Manila, so yun na nga ang hinihintay natin para magkaroon na ng verification and validation…maaaring hanggang katapusan [ng Enero] expect natin darating yan o February maaaring magkaroon ng verification and validation dito [sa Narra] pagdating sa signature,”
Naniniwala rin si Aficial na magiging patas umano ang ahensya dahil itinatakda sa batas ang pagsasagawa nito lalo na kung wala nang tiwala ang mga mamamayan sa ilan nilang pinuno.
“Positive kami diyan dahil tingnan mo ha sa kasaysayan RA 11259 yung ‘an act divide the province of Palawan into 3 provinces ‘…sinang-ayunan ng COMELEC eh itong recall na ito isang batas din Republic Act 7160 na provided na probisyon ng recall petition,”
Samantala, inamin din ng SPBN na tumutulong sila sa pangangampanya ng pagtutol sa paghahati ng Palawan sa tatlong probinsya gaya ng ginagawa umano ni suspended Mayor Gerandy Danao.
“Yes sir, talagang 100% na ayaw natin yung 3in1 kasi alam natin na sabi nga sa English ‘who will suffer the consequences, we the people’… kaya tayong mahihirap, maliliit lalong naghihirap at lalong nagdurusa sa kahirapan sila na bilyunaryo ay lalong kakamkam ng salapi.”