‘Wanted’ sa attempted murder sa Busuanga, naaresto

Stock photo from DILG

Nadakip na ng pulisya ang isang indibidwal sa Bayan ng Busuanga na halos isang buwan nang nababaan ng warrant of arrest ng korte dahil sa kasong tangkang pagpatay.

Kinilala ang naarestong indibidwal na si Jomark Macmac Ello, 29 taong gulang, binata, mangingisda at residente ng Brgy. Bogtong, Busuanga.

Sa spot report mula sa PPO, nakasaad na

dakong 9:30 am kahapon ay inaresto ng Busuanga MPS  ang suspek sa Brgy. Bogtong sa bisa ng ibinabang Warrant of Arrest ni Judge Arnel P. Cezar, presiding judge ng RTC Branch 163 (Coron) na may petsang Hulyo 30, 2020.

Umabot naman sa P120,000 ang inirekomendang piyansa ng korte para sa pansamantala niyang kalayaan.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng Busuanga MPS ang suspek at nakatakdang ipresenta sa issuing court para sa proper dispostion.

Exit mobile version