Ipinagdiwang ng bayan ng Kalayaan, Palawan ang ika-125 taong paggunita ng Araw ng Kasarinlan ng Pilipinas sa pamamagitan ng isang seremonya ng pagtaas ng bandila noong Hunyo 12 sa Pag-asa Island.
Kasama sa pagdiriwang ang Team WESCOM, pinangungunahan ni Vice Admiral Alberto Carlos PN, mga lokal na opisyal ng pamahalaang lokal, tropa mula sa Philippine National Police (PNP), Philippine Coast Guard (PCG), at ang buong komunidad ng Kalayaan.
Nagtipon ang seremonya ng lahat ng mga tao mula sa isla, kasama na ang mga sundalo at iba pang ahensya ng pagpapatupad ng batas, sa harap ng monumento at bandilang pambayan ng munisipalidad. Nag-umpisa ito sa pag-awit ng pambansang awit ng Pilipinas, na sinundan ng pagtaas ng isang malakin bandilang ng Pilipinas.
Sa naging mensahe sa Araw ng Kasarinlan, ibinahagi ni Mayor Roberto Del Mundo ang kanyang pasasalamat sa di-matitinag na pagpapahalaga ng komunidad sa kalayaan ng ating bansa. Naghangad rin siya ng patuloy na kaunlaran para sa Bayan ng Kalayaan at sa Kanlurang Karagatang Pilipinas (WPS).
Sa panahon ng seremonya, binigyang-diin ni VAdm Carlos ang kahalagahan ng pagtutulungan upang protektahan at pangalagaan ang ating soberanya sa WPS.
Kinilala niya ang mga sakripisyo ng ating mga bayani, noon at ngayon, na walang pag-aalinlangan na naglingkod sa ating bansa at nagtrabaho nang walang sawang magbantay sa ating mga hangganan.
“Sa ika-125 na paggunita ng kasarinlan ng Pilipinas, ang pinakamalaking pagsaludo ay para sa mga tapat at matatapang na mga kalalakihan at kababaihan na nakipaglaban sa maraming digmaan, at para sa mga taong, hanggang kasalukuyan, ay patuloy na nag-aalay ng kanilang buhay upang mapanatili ang kapayapaan sa ating teritoryo at paligid,” ani VAdm Carlos.
Ang pangyayari ay isang pagdiriwang ng kasaysayan ng Pilipinas at pagkakaisa sa harap ng mga hamon. Ang okasyon ay isang magandang paalala na ang mga Pilipino, anoman ang kalagayan o lokasyon, ay dapat patuloy na magtulungan nang may sigla at lakas upang mapanatili ang matagal nang ipinaglaban na kasarinlan, kalayaan, at kapayapaan.