Centenarians to receive P100k cash gift from DSWD-MIMAROPA

DSWD file photo

Makakatanggap na ang mga umabot sa 100 years old na senior citizen ngayong taon sa lalawigan ng Romblon ng P100,000 cash gifts mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), ayon sa DSWD-MIMAROPA.

Sila ay bahagi lamang ng 34 na centenarians sa buong rehiyon na kasama sa mga mabibigyan ng cash gift alinsunod sa Republic Act 10868 o ang Centenarians Acts of 2016.

Sinasabi sa batas na ang mga Filipino na aabot sa 100 taon o tinatawag nilang centenarian ay makakatanggap ng P100,000 cash gift mula sa gobyerno.

“Of this year’s target centenarians, three were already paid amounting to P300,000.00. There are 34 centenarians subject for validation in terms of age, while some of them are now complying with all the requirements,” ayon sa pahayag ni senior citizen sector focal Lordessa Fe Gilera.

Maliban sa cash gift, makakatanggap rin ng plaque of recognition ang mga Pilipino na aabot ng 100 taong gulang.

Exit mobile version