Pagtutol sa paghahati sa Palawan, patuloy; Taga-Puerto Princesa, dapat makalahok sa plebisito

Patuloy na kinokontra ng grupong One Palawan Movement ang paghahati ng isla sa tatlong probinsiya kahit na ito’y nakalusot na sa House of Representatives lalo na ang hindi pagsasali sa mga taga-Lungsod ng Puerto Princesa na makaboto sa plebisito  sa pag-aayon ng mamayan sa hakbang.

Sinabi ni Cynthia Sumagaysay- Del Rosario na hindi makatarungan ang na hindi makapagboto ang mga taga-lungsod na nakatakdang ganapin sa Mayo 2020 dahil ito’y isang “highly urbanized city” at nakasaad sa Article IX, Section 54 ng House Bill No. 8055 nagnaghahati sa isla sa tatlong probinsya na hindi makaboboto ang taga-Puerto Princesa sa plebisito at sa paghalal ng mga opisyal ng lalawigan.

Ikinatwiran ni Sumagaysay – Del Rosario na dapat pag-usapang legal at maigi dahil “malinaw ang 1987 Constitution (Article 10, Section 10) at Local Government Code (Section 10) na [nagsasaad na] dapat ay kasama sa plebisito ang mga political units na ‘directly affected’ at maliban sa plebisito tungkol sa paghahati, may karapatan din ang syudad sa pagboto ng mga opisyales ng probinsya depende sa orihinal na Charter ng syudad.” 

Iginiit ni Sumagaysay- Del Rosario na kung sakali mang mahahati sa tatlo ang Palawan ay magiging maliit daw ang pondo na matatanggap nito galing sa pamahalaang nasyonal. Ang maliit na pondo na ito ay mapupunta pa sa gastusin ng pagtatayo ng kapitolyo at pagpapasweldo sa mga dagdad na politiko at empleyado, wala na daw  matitira para sa totoong serbisyo sa mga totoong mahihirap at nangangailangan sa Palawan. Isa ito sa mga na kikita nilang “disadvantage s.”

“Kailangang tutulan ng aking mga kababayan ang paghahati ng Palawan. Maging mapanuri at ‘wag magpadala sa pera at mga pangako na hindi totoo. Madali malaman ang totoo kung gugustuhin ito dahil maraming inpormasyon base sa karanasan ng iba’t ibang probinsya sa Pilipinas tungkol sa paghahati,”

Matutuloy ang paghahati ng Palawan sa tatlong probinsiya kung sasang-ayunan ng mga mamayaan sa pamamagitan ng pagboto sa plebisito sa Mayo 2022. Kung mananalo sa plebisito, magtatayo ng mga Kapitolyo sa Taytay na capital ng Palawan del Norte, sa Roxas na capital ng Palawan Oriental at sa Brooke’s Point na magiging capital ng (Palawan Del sur) na magiging “mother province” ng tatlong probinsya.

Exit mobile version