Nakakuha na ng License to Operate ang Ospital ng Palawan mula sa Department of Health.
Ito ang inihayag ni CHD MIMAROPA OIC-Regional Director Mario Baquilod ngayong hapon, May 15, sa pamamagitan ng DOH CHD HEPU MIMAROPA Facebook Page.
Sinabi ni Baquilod sa post na maaari na ngayong magsagawa ng COVID-19 testing ang Ospital ng Palawan gamit ang GeneXpert machine.
Dahil dito, mas marami na anyang indibidwal ang mate-test sa mas madaling panahon.
“Nais po naming ipaalala na ang DOH RT-PCR Testing Guidelines parin ang susundin sa pagsasagawa ng specimen testing,” ani Dr. Baquilod sa post ng DOH CHD HEPU MIMAROPA.
Ang Ospital ng Palawan ang kauna-unahang laboratory ngayon sa MIMAROPA na maaari ng magsagawa ng COVID-19 Testing.