Coast Guard Academy, nais itayo sa Palawan

Contribured Photo

Isinusulong ng Philippine Coast Guard na magkaroon ng Philippine Coast Guard Academy at Coast Guard Village sa lalawigan ng Palawan sa mga susunod na taon Sa pahayag ni Commodore Allen Toribio ng PCG District Palawan, sinabi nito layunin nito na mas lalong mapalakas at mag karoon ng mga benipisyo ang bawat empleyado ng Coast Guard at mapabilis ang pagresponde sa oras ng mga sakuna.

“Layunin nito na mas lalong mapalakas at magkaroon ng binipisyo ang ang bawat coast guard personel na nakabase dito sa palawan, ganun din ang mas mabilis na pagresponde ng aming grupo kung sakaling magkaroon ng mga sakuna,” saad ni Toribio.

Inihalintulad ni Toribio sa Philippine National Police Academy o PNPA na dapat ay mag karoon din ang Coast guard nito sa Palawan dahil sakto umano ito para sa probinsya.

Isa ang Barangay Apurawan, Aborlan ang nakikitang lugar para itayo ang PCGA at Coast Guard Village na may lawak na 400 hectares kung saan magkakaroon ng tig-600 square meters ang bawat miyembro ng Coast Guard at ang maiiwan sa 400 hectares tatayuan ng Coast Guard Academy.

Samantala suportado din ito ni Palawan Governor Jose Chaves Alvarez, at hinihintay na lamang kung sakaling maaprubahan ito sa Department of Budget and Management.

Exit mobile version