Drug-Cleared Municipalities, Barangays sa Palawan, pinangalanan

Lima na barangay sa Puerto Princesa ang naideklara nang 'drug cleared' ngayong umaga sa isinagawang Validation/Declaration of Drug Cleared Barangays sa pangunguna ng DILG, PDEA at PNP Regional Offices. Ang mga ito ay ang Barangay Maligaya, Macarascas, Lucbuan, Salvacion at Cabayugan. (Orlan Jabagat / PIA)

Matapos ang isinagawang evaluation and validation ng Regional Oversight Committee ng Barangay Drug Clearing Operation (ROC BDCO) batay na rin sa Dangerous Drugs Board (DDB) Regulation No. 3 series of 2017, “Strengthening the Implementation of Barangay Drug Clearing Program,” ay naideklara ang mga munisipyo ng Cuyo at Busuanga bilang drug-cleared municipalities.

Limang mga barangay naman sa Puerto Princesa at 15 barangays sa Palawan ang naideklarang drug-cleared barangays.

Puerto Princesa City:
– Cabayugan
– Lucbuan
– Macarascas
– Maligaya
– Salvacion

Aborlan:
– Tagpait

Balabac:
– Catagupan

Busuanga:
– Salvacion

Coron:
– Bulalacao
– Decabobo
– San Jose

Cuyo:
– Cabigsing
– Suba

Quezon:
– Berong

San Vicente:
– Alimanguan
– Caruray

Roxas:
– Abaroan
– Caramay
– Magara
– San Jose

Photo by Orlan Jabagat / PIA
Exit mobile version