Grass fire sa Cuyo, naapula kaagad

Screengrab from Edrian Dalingding's video

Naapula na ang grass fire na naganap sa Lagoon area, Bgy Manamoc, Cuyo kahapon, January 15, 2020.

Ayon kay Provincial Disaster Risk Reduction and Management Officer Jerry Alili, nagsimula ang sunog ganap na alas-4 ng hapon ay naideklarang fire out ganap na alas-10PM.

“Bgy fire brigade at Bgy residents lang ang nag respond. Di makarating ang bfp [Bureau of Fire and Protection] dahil masama ang panahon at malayo ang Island” ani pa ni Alili.

Batay umano sa report ng MDRRMO Cuyo, walang nadamay na mga bahay at wala ring nasaktan sa sunog.

Posible rin daw na muling sumiklab ang grass fire dahil sa malakas ang hangin sa lugar.

Exit mobile version