Lalaking may kasong panghahalay, kalaboso

Sa bisa ng warrant of arrest na pirmado ni Judge Ramon Chito R. Mendoza ng RTC Branch 165, Brooke’s Point, Palawan sa kasong Statutory Rape at Rape by Sexual Assault, arestado ng Sofronio Española Municipal Police Station si Rafael Francisco Carpio, 54 anyos, residente sa Sitio Suring 2, Barangay  Pangobilian, Brooke’s Point.

Batay sa report ng Palawan Provincial Police Office, naaresto ang suspek nitong Miyerkules, ika-25 ng Mayo, sa Barangay Iraray, Sofronio Española.

Walang pyansa inilaan sa kasong Statutory Rape at P200,00.00 naman inilaang pyansa sa kasong Rape by Sexual Assault.

Samantala, mananatili sa piitan ng Sofronio Espanola MPS ang suspek.

Exit mobile version