PUERTO PRINCESA CITY — Nahatulan man sa iba’t-ibang kaso at nabubuhay sa loob ng rehas ang mga bilanggo, hindi nman nagsara ang mga oportunidad para paghandaan ang knilang mgiging bukas.
Sa kabila ng pagkakulong ng 38 na mga bilanggo sa Montible Sub Colony & Penal Farm, matagumpay nlng nairaos ang pag-aaral sa pamamagitan ng ALS.
Walo (8) ang nagtapos sa Basic Literacy program (BLP) o kaalaman sa pagsulat, basa, at pagkukuwenta. Dalawa (2) ang nagtapos sa elementarya at dalawa (2) rin sa Junior High school. Labing anim (16) ang completer para sa sumailalim sa susunod na eksaminasyon at sampu (10) nman ang nagtapos sa Basic Electrical Installation & maintenance na kaloob nman ng Acts Community technical School katuwang ang Tesda.
Sa mensahe ni CSupt. Amador D. Perez Jr. M.D Deputy Superintendent for Reformation, “Tingnan nyo ang nakaraan minsan lng pero sikapin nyong umabante bukas. Huwag Tanungin ang sarili kung ano ang gagawin paglabas ng kulungan kundi magkaroon kayo ng projection kung paano magsimula uli.”
Ayon nmang kay CInsp. Juanito V. Dela pena, Sub Colony Supetvisor, nagpapakita lng ito na patuloy silang binibigyan ng pansin at d nakakalimutan. Dapat lng na magkaroon sila ng kahandaan kapag sila ay nasa malayang lipunan na.
Samantala, kailangan ding iparamdam n hindi sila nkakalimutan ng komunidad at ng gobyerno sa pamamagitan ng pagtuturo ng mga technical schools ayon nman kay Bishop Fortunato Almasco Jr. President ng Acts Technical Training School.