Paggunita ng undas 2022, pinaghandaan ng mga otoridad sa Palawan

Photo Credits to Ppc FireStation and Philippine Coast Guard

Nakaalerto ngayong Undas 2022 ang mga otoridad sa Palawan, kabilang na ang buong pamunuan ng Philippine Coast Guard.

 

Nabatid ng Palawan Daily na nakaalerto ang Philippine Coast Guard (PCG) District Palawan para maging ligtas, matiwasay, at komportable ang pagbiyahe sa karagatan ng mga mananakay ngayong Undas 2022.

 

Liban sa pag-iinspeksyon sa mga pampasaherong barko, nag-iikot din ang mga Coast Guard K9 Teams para i-check ang mga bagahe ng mga pasahero sa layuning mapanatili ang kaligtasan sa mga pantalan at iba pang maritime transport facilities sa probinsya.

 

Nakahanda rin ang mga deployable response groups (DRGs) sa oras na kailanganin ang kanilang serbisyo sa paparating na long weekend.

 

Bukod ditto, alertado din ang iba pang mga sangay ng pamahalaaang may kaugnayan sa pagpapanatili ng katiwasayan sa buong lalawigan.

 

Kabilang na ang Bureau of Fire Protection, na hindi nakakalimot sa pagpapaalala hinggil sa mga pamamaraan upang makaiwas sa sakuna at sunog.

 

Samantalang ang pamunuan naman ng Philippine National Police, ay nagpapatuloy ang istratehiyang police visibility, lalo na sa mga matataong lugar, upang hindi maganap ang anumang krimen.

 

Bukod dito, ang lahat naman ng mga pamunuang barangay ay nagbigay na ng ayuda sa pamamagitan ng foot patrol at visibility rin ng mga Barangay Tanod na agarang magbibigay responde sa pangangailangan ng kanilang mga residente.

 

Maliban ditto, ang iba pang reinforcement agencies ay malaon nang naka- alerto na siya ring handang tumugon sakaling mayroong dapat bigyang alaya at responde.

 

Inaasahang sa pangkalahataan ay magiging maayos ang paggunita ng Undas 2022, hindi lang sa lungsod ng Puerto Princesa, at lalawigan ng Palawan bagkus sa buong bansa.

Exit mobile version