Dalagitang taga-Narra, inakusahan si Xander Ford ng pangmomolestiya

Nagimbal ang buong mundo ng mga online netizens at kababayan mula sa Narra kahapon, June 17 nang ibulgar ng ex-girlfriend ni Xander Ford a.k.a Marlou Arizala na si Janysah Cabrejas na siya ay sinasaktan at inaabuso umano ng nasabing influencer.

Sa post ni Cabrejas na kumalat at talaga namang nag-viral online magpa-hanggang sa ngayon ay mabababasang emosyonal at mabigat ang mga binitawang salita ng kanyang dating nobya laban sa online influencer.

“Bago ako sumuko nagtiis muna ako. Pinipilit mo ako na may mangyari satin kahit na mayroon ako at kahit na ayaw ko kapag hindi ako pumayag magagalit ka kaya nga nagka-pasa sa gawa mo kasi pinilit mo ako,” ani ni Cabrejas.

“Pinamukha mo lang na katawan lang habol mo sakin. Binabaliktad mo ako sa lahat para ano? Para malinis image mo?” dagdag ni Cabrejas. Matapos ipost ito ni Cabrejas, umani naman agad ito ng iba’t-ibang simpatya ay komento mula sa mga netizens na siya naman ngayon ay tila gigil na gigil na influencer.

Samantala, kagabi, matatandaang sinagot ni Arizala ang mga paratang na ito ng former girlfriend at itinangging ito ay may katotohanan sa pamamagitan ng isang video online.

Emosyonal ding humarap sa camera si Arizala at inaming siya ay may pagkakamali subalit hindi umano nito magagawang saktan at molestiyahin o pilitin ang kanyang ex-girlfriend sa anomang bagay na ayaw nito.

“Inaamin ko mayroon akong pagkakamali pero ‘yung sinasabi mong sinaktan kita hindi ko magagawa’ yun kasi mahal na mahal kita,” ani ni Arizala.

“Sana kausapin mo ako. Hindi naman natin kailangang ipaalam pa ito sa buong mundo kasi tayong dalawa ‘to,” dagdag nito.

Sa huling parte ng video ni Arizala, sinabi rin nito na hinding hindi niya magagawa ang mga paratang ni Cabrejas sapagkat siya ay mayroon ding kapatid na babae at ina na inaalala.

Sinabi din ng influencer na siya ay mayroong trauma na kanyang nakuha noong pagkabata mula sa pananakit ng kanyang ama.

Sa ngayon ay inaabangan ng mga social media netizens na mag-kaso si Cabrejas laban sa influencer sapagkat kung totoo man ang mga paratang na ito ay sigurado umanong mapaparasuhan ng batas ang nasabing influencer.

Naglabas na rin ng pahayag ang Star Image Artist Management, official handler ni Arizala at sinabi nito na hindi nila kukunsintihin ang media personality sa kanyang nagawa sakaling mapatunayan na totoo nga ang mga paratang na inilabas ni Cabrejas. Sila rin ay humihingi ng tawad kay Cabrejas at sa pamilya nito.

Matatandaang si Arizala ay nag-viral sa buong bansa sapagkat tahasan nitong ipinabago ang mukha matapos sumailalim sa magkasunod-sunod na plastic surgery na siya namang tinutokan ng lahat.

Siya rin ay kilalang dating miyembro ng grupong Hasht5 na siya namang isang boy band parody na sumikat noong 2015.

Samantala, lingid naman sa kaalaman ng karamihan, si Cabrejas ay anak ng parehong negosyante sa bayan ng Narra.

Si Cabrejas din ay matatandaang itinanghal bilang Queen of Narra noong 2017 bago pa man ito tuluyang lumipad ng Maynila upang mag-aral at tuparin ang pangarap na maging artista.

Exit mobile version