Pagdaong ng mga cruise ships sa lungsod ng Puerto Princesa, pinaghahandaan na ng Tourism Office

Puspusan ngayon ang pagsasapinal ng mga takdang gawain at istratehiya upang lalo pang maiangat ang kalidad ng serbisyo ng local na pamahalaan ng Puerto Princesa at mag- iwan ng positibong impresyon sa mga local at dayuhang turista.

 

Isa na sa pinagtutuuunang pansin ngayon ay ang nakatakdang pagdaong ng tinatayang 21 cruise ships sa lungsod ng Puerto Princesa.

 

Matatandaang nasisiyahang ipinahayag ni City Tourism Officer Demetrio Alvior Jr., na dumagdag ang bilang ng mga kumpirmadong bilang ng cruise ships na dadaong sa siyudad.

 

Sinabi ni Alvior, batay sa kumpirmadong 21 cruise ships, 16 dito ay maiden voyage, o unang pagkakataon na dadaung para mamamasyal sa lungsod, samantalang ang nalalabing iba pa ay nakaranas nang mamasdan ang kagandahan ng lungsod ng Puerto Princesa, na naganap bago pa man ang pandemya.

 

Karaniwang umaabot sa anim na raan mahigit ang mga turistang papasyal sa lungsod sakay ng mga unang darating na maiden voyage na Seabourn Encore at darating sa ika-9 ng Pebrero, bukod pa sa tinatayang 330 mga crew ng cruise ship o mega yacht na naturan.

Exit mobile version