Mga batang nanlilimos sa Puerto Princesa, mga mahihirap nga ba o pinakikilos ng sindikato?

Nababahala ngayon ang isang residente ng Lungsod ng Puerto Princesa kung ang mga batang nanlilimos sa ilang pangunahing lansangan ay dahil lamang sa kahirapan o may sindikatong humahawak sa kanila.

Sa post ni Ren Gavilaga sa kanyang social media account ngayong Lunes, nananawagan siya sa pamunuan ng City Social Welfare and Development Office at Puerto Princesa City Police Office (PPCPO) na aksyunan ang sitwasyon.

Si Gavilaga ay kasalukuyang presidente ng Ugnayan ng Maralitang Sektor sa Puerto Princesa at Lalawigan ng Palawan. Ang Ugnayan ay pederasyon ng Urban Poor Organization at People’s Organization na accredited at sinu-supervise ng Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP).

PAG-ARALAN

“Sana mabigyan n’yo rin ng panahon na mapag-aralan po itong mga batang nasa kalye at nagpapalimos sa mga may-ari ng sasakyan na humihinto sa mga traffic lights,” dagdag pa niya.

“Totoo  po kayang mahihirap ito o baka naman may sindikato na rin sa atin ng mga batang kalye?” ani Gavilaga.

Makikita umano ang nasabing mga bata sa New Market sa Brgy. San Jose at kanto ng Caltex sa Junction 2.

Samantala, sa thread ng conversation sa post din ni Gavilaga ay ibinalita niya na may tugon na ang DSWD at PNP sa kanyang panawagan.

Exit mobile version