Tatlong lalaking nahuling nagpupuslit ng ipinagbabawal na langis sa balabac, arestado

Tatlong kalalakihan ang nahuli sa operasyon ng mga awtoridad matapos mahuling may kargang iligal na krudo sa karagatan ng Barangay Mangsee, Balabac noong Nobyembre 2.

Ang operasyon, na isinagawa ng 2nd Special Operations Unit (SOU) Task Force sa tulong ng Municipal Special Task Force ng Quezon, PGGIG-PAL, at Bureau of Fire Protection (BFP) Palawan, ay nagresulta sa pagkakaaresto ng mga suspek na sina alyas “Jun” (kapitan ng bangka), alyas “Bong,” at alyas “Biboy.”

Ayon sa ulat ng mga awtoridad, nakumpiska mula sa mga suspek ang 15 drums at 10 containers ng hinihinalang smuggled na krudo. Natuklasan din na may mga pekeng serial numbers ang bangkang gamit nila, isang taktika upang makaiwas sa mga checkpoint.

Ang tatlo ay nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Presidential Decree No. 1865, isang batas na nagbabawal sa smuggling at paggamit ng pekeng langis na hindi dumaan sa tamang proseso ng pag-aangkat.

Sa kasalukuyan, sila ay nasa kustodiya ng 2nd SOU-Maritime Group sa Rio Tuba, habang nagpapatuloy ang imbestigasyon sa posibilidad ng mas malaking sindikato ng pagpupuslit ng langis sa rehiyon.
Exit mobile version