Watchman ng New Public Market, arestado sa buy-bust operation

Arestado sa anti-illegal drugs buy-bust operation ng pinagsanib pwersa ng Regional Police Drug Enforcement Unit at ng Puerto Princesa City Police Office si Michael Zabala Ganancial o Mike, 42 anyos, watachman ng New Public Market at residente ng Barangay Iwahig.

Ayon sa ulat ng PPCPO, si Ganancial ay tinaguriang High Value Individual at nahuli ganap na 10:47 kagabi ika-22 ng Mayo sa New Market San Jose.

Nabilhan ito ng isang pakete ng pinaniniwalaang shabu na nagkakahalaga ng P1,500.

Nakuhaan din ito ng limang pakete na pinaghihinalaang marijuana na nakalagay sa kaha ng sigarilyo, nakompiska din ang buy-bust money.

Nahaharap ang suspect sa kasong paglabag ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Photo courtesy of PPCPO
Exit mobile version