Kasalukuyan nang nagsasapinal ng mga karampatang panuntunan ang Department of Information and Communications Technology (DICT) para sa kanilang rollout ng SIM registration sa mga Geographically Isolated and Disadvantage Areas (GIDAs).
Bukod dito nakatakdang magsetup ng one-stop shop para sa pagkuha ng NBI clearance na gagamitin sa SIM registration
Sa ngayon nakikipag-ugnayan na ang Department of Information and Communications Technology (DICT) sa Department of Justice (DOJ) para sa pagsi-setup ng one-stop shop sa mga malalayong lugar o geographically isolated and disadvantage areas ng bansa.
Sa pamamagitan ng one-stop shop, maaaring i-secure ng mamamayan ang kanilang mga NBI clearance na puwede nilang magamit sa pagpaparehistro ng kanilang SIM card.
Sa pangunguna ng DICT, bumuo ng inter-agency ad hoc committee meeting kasama ang lahat ng ahensiya ng pamahalaan, para sa implementasyon ng rollout SIM registration sa Pilipinas.