FDA, nagbabala sa publiko hinggil sa paggamit ng mga unregistered Drug Product

Nagbabala ang Food and Drug Administration hinggil sa pagbili at paggamit ng mga hindi rehistradong drug product alinsunod sa Republic Act No. 9711 o Food and Drug Administration Act of 2009.

Ibinunyag ng FDA ang pangalan ng produkto na “Creations Spa Essentials Pain Relief Rub Sleep With Beeswax Ginger Oil & Olive Oil 50g bilang unregistered drug product.

Ayon sa FDA Advisory No. 2021-1616, napatunayan ng FDA Post-Marketing Surveillance (PMS) na ang nabanggit na produkto ay hindi dumaan sa proseso ng pagpaparehistro sa ahensya at hindi nabigyan ng awtorisasyon tulad ng Certificate of Product Registration.

“Thus, the Agency cannot guarantee their quality and safety. Therefore, consumption of such violative product may pose potential danger or injury to health.” ayon sa babala ng ahensya.

Ang lahat ng business establishments o indibidwal na nagbebenta ng nasabing produkto ay binigyang babala ng FDA na itigil ang sirkulasyon nito sa merkado hanggang sa magkaroon ito ng tamang awtorisasyon.

Exit mobile version