Sa loob ng 6 na buwan gaganda ang ekonomiya, ayon sa 46% Pilipino

PDN Stock Photo

Malaki ang paniniwala ng mayoryang Pilipino na gaganda ang takbo ng ekonomiya ng bansang Pilipinas sa pagpasok ng taong 2023.

 

Positibo ang tinatayang 46% mga mamamayan na tinanong sa pamamagitan ng survey ng OCTA research hinggil sa kanilang pananaw sa magiging takbo ng kalagayang pangkabuhayan ng bansa sa susunod na taon.

 

Ang survey ng OCTA Research ay isinagawa mula ika-23 hanggang 27 noong nakalipas na buwang Oktubre 2022, na kung saan ay tumugon ang tinatayang 10 porsiyento na naniniwalang lulubha ang ekonomiya habang 38 porsiyento ang nagsabing walang mababagto at ang limang porsiyento ay nagpahayag nang walang alam o pakialam sa magiging takbo ng ekonomiya nhg bansa.

 

Sa naturang survey, nanguna ang Visayas (60%) na malaki ang paniwala na gaganda ang ekonomiya sa susunod na 6 na buwan, kasunod nitro ang tumugon mula sa Metro Manila (46%), samantalang ang nalalabing bahagi ng Luzon at Mindanao na may tig-43%.

Exit mobile version