Bb. Sexsi 2021 2nd Runner-up, isinusulong ang adbokasiyang itigil na ang ‘body shaming’

Binibining Sexsi 2021 2nd Runner-up Mary Justine Anne Lucero

“I want to share my story to my fellow people who are also prone to being bullied constantly, body shamed and being criticized because of their looks. I want to empower and remind them that ‘THEY MATTER’ and that they are a beautiful person, inside and out.”

Ito ang bahagi ng post ni Binibining Sexsi 2021 2nd Runner-up Mary Justine Anne Lucero sa kanyang social media account kahapon na aniya’y layong ibahagi sa lahat ang kanyang adbokasiya na mawaksi na ang “body shaming.”

Ayon kay Lucero, sumali siya sa Bb. Sexsi dahil nais niyang i-promote ang adbokasiyang “body positivity” at baguhin ang masamang kaugalian na mapanghusga sa pisikal na anyo ng isang tao, lalo na sa mga extra sizes.

Dagdag pa nito, lubos pa rin ang kanyang kaligayahan sa kanyang pagkapanalo sa Binibining Sexsi 2021 noong Pebrero dahil sa ang kinahiligan niyang pagsali sa mga beauty contest noong siya ay balingkitan pa ay nagagawa pa rin niya sa ngayon at nakapag-uwi pa ng award.

“Joining Binibining Sexsi 2021 was one of the bravest decisions I’ve made this year, because there’s a lot of expectations and words I’ve heard that brought pressure to me,” aniya.

Lubos siyang nagpasalamat sa lahat ng mga tumulong sa kanya mula sa kanyang mga mahal sa buhay, kaanak, mga kaibigan at mga kakilala.

Nagpasalamat din siya sa Pamahalaang Panlungsod ng Puerto Princesa sa pagtataguyod ng nasabing aktibidad na hindi lamang aniya nakapagdulot ng saya sa mga mamamayan ngayong pandemya ay nagbigay pa ng higit na tiwala sa sarili sa mga gaya nilang kababaihang kandidata.

“Some journeys may end, but mine is just [the] beginning,” ang iniwan namang mga kataga ni Lucero sa panghuling bahagi ng kanyang post.

Si Lucero ay Ms. Puerto Princesa 2015-2nd Runner Up, Ms. Tourism Puerto Princesa Philippines 2016 (title holder), Mutya ng Palawan 2017-2nd Runner Up, at kinatawan ng Puerto Princesa, Palawan sa Miss Millennial Philippines 2017 ng Eat Bulaga ng GMA-7.

Exit mobile version