CIO Ligad, suportado ang imbestigasyon ng BPLO kaugnay sa iskandalo sa isang bar sa lungsod

A photo of letter received by the office of the Business Permit and Licensing Office from CIO Richard Ligad.

Nagpahayag ng suporta si Acting City Information Richard Ligad sa Business Permit and Licensing Office (BPLO) ng Puerto Princesa kaugnay sa gumugulong na imbestigasyon nito sa isang iskandalong sekswal na naganap sa isang bar sa lungsod nitong mga nakaraang araw.

Sa isang sulat na pinadala kay Ms. Maria Theresa V. Rodriguez, Business Permit and Licensing Office IV, na may petsang Marso 20, 2024, sinabi ni Ligad na handa itong magbigay ng legal assistance kung sakaling mapatunayan na may paglabag nga ang J1 Restobar sa anomang ordinansa ng lungsod. Ito ay may kaugnayan pa rin sa iskandalo na kumalat sa social media na nangyare sa loob ng mismong Restobar.

Bagama’t hindi kita sa naturang video ang pagkakakilanlan ng lalaki at babaeng nagtatalik ay ilang pangalan na ang gumugulong sa mga pagkakakakilanlan ng mga ito.

Samantala, wala pang pormal na pahayag ang pamunoan ng J1 Restobar kaugnay sa insidente.

Exit mobile version